Actually, hindi ako natuloy. Sa water baptism lang ako natuloy. Hayy.. Kung saan patungo ang buhay na to.. Hindi ko alam.. Walang nakakaalam.. Diyos lang.. Sa totoo lang, pagod na ko eh.. Pagod na. Alam mo yun? Gusto mo kong tulungan? Salamat, pero wag na lang.. Gusto mo kong damayan? Salamat, pero ako nga di ko alam kung anong problema ko eh.
THE DRAMA
I am an idealist. I dont know where I’m going but Im on my way.
Labo no? Hehe.. Pero pinagpag ko na ang alikabok. Tumatayo na ko, babangon ako at dudurugin kayong lahat!!!! Bwahahhaha!! hehe.. Kulit nun.. Ang sarap tumawa.. Tumawa ng tumawa ng tumawa ng tumawa.. Eh ano ngayon kung mukha na kong loka loka? Eh sa gusto kong tumawa kahit sa blog lang eh. Sa totoong buhay kasi, lalo na dito sa bahay, ako lang ang gumagawa ng paraan para matuwa naman ako at tumawa ng malakas na parang wala ng bukas… Salamat kay Betty (la fea) Dabarkads at hamtaro. Ang tatlong palabas na tanging napapanood ko.
Gusto kong magbakasyon at mawala ng ilang araw.. Simpleng pagtakas lang sa polluted na mundong to. Simpleng pagtakas lang sa lahat ng tao sa mundo. Yung ako lang magisa. Walang internet connection. Walang cellphone. Walang kahit anong koneksyon sa mundo. Ang saya siguro nun. Tapos drawing drawing lang ng tanawin. Gawa ng tula. Kwento. Tulog. Swimming. BUhay independent. Kahit minsan lang..
Pahinga ba.. Ang sarap nun.. *daydreaming…
Actually, wala naman akong masyadong pinag gagagawa para ma burnout, mapagod o magsawa sa buhay eh. pero you know what? Yun nga ang nakakapagod eh. Ang gumawa ng WALA. Kung alam mo lang ang nararamdaman ko. hindi ako sanay ng walang ginagawa sa buhay ko. Pautangin mo naman ako ngisang milyon o, hehe. AS if. ano namang gagawin ko sa isang milyon. Di naman ako gastusera, di ako mahilig mag shopping. di ako mahilig kumain. hmmn..
Uy.. ang swerte ng friendster blog na to, sa dinami dami ng blog ko eh dito pa ko nakapaglabas ng ganitong klaseng ka-dramahan.. Hehe.. Nagdadrama na pala ako sa lagay na to, may "hehe: pa.
Sige lang. Edeza. Tawa lang. Yan na lang libre ngayon eh. Pati mangarap. Pati umasa..
Sige lang Edeza.. Sige lang..
Di ko alam kung bakit ko nararanasan tong lahat. Pero isa lang ang klaro dito eh, may dahilan kung bakit nangyayari ang syitneys(ooppsssssss!) na ito sa akin. At wala akong pwedeng sisihin kundi sarili ko. pwedeng sumigaw? Okay lang ba?
Ilang araw na naman akong hindi magsasalita nito.. Ilang araw na naman akong hindi kikibo. Ilang araw na naman kaya akong mananahimik? Hmmn..
Ang tagal naman ng freaking fp na yun o. WALA pa rin, just when I needed it the most. Makalayas muna dito. Makatakas muna. Pagbalik ko, okay na ko ulit kaya naman pautangin mo na ko ng isang milyon o.. Hehe..
Kapag hindi nagtuloy ang workshop this June. Ayoko muna sa bahay na to. Pupunta muna ko sa Quezon! Imbyerna!! Aja! Mabuhay! Haha! Parang Sira! Tawa! Loka loka! haha!!!!! Bahala kayo sa buhay niyong lahat. Eto kayo! *peace sign* hehe.. Hindi ko yun gagawin noh!
Sawa ka na rin sa buhay mo. Halika simba tayo. Hindi ka kasi nagsisimba eh.. gusto mong pang makisawsaw sa kadramahan ko. Next time ka na lang, ako muna ngayon. Di ko kailangan ng simpatya mo. Salamat na lang pare.
INTERNAL DIALOGUE
Ayaw tumigil ng freaking hands ko sa pagta type!!! tigil na tigil na tigil na!!!!! Pakiusap. Eto ba ang tinatawag mong literatura ha Edeza? Para kang sira. Parang hindi ikaw ang nagsusulat nito kundi.. hmmn.. huhulaan ko? Isa na naman sa mga alter ego mo no?
Sabi na eh. Kasi naman bat di mo pa ikadena yang maarte mong alter ego. Ng matigil ka na sa pagta type. Ngalay na kamay mo no? ( Hindi pa actually, I can get by the whole doing nothing but this) Hmmn.. Teka, Naninigas na ba daliri mo? (hindi. geez, ano ko may rayuma?) Hmmn.. yang mata mo naubos na ba luha? ( Hindi pa, pero pansamantala namang tumigil) Hmmn… yung buhok mo tuyo na ba? (oo.) Hmmn.. Yung tali na gagamitin mo pangpapatiwakal nakahanda na ba? (Naku naman, ano bang pinagsasasabi mo! Wala akong suicidal tendency no! Mahal ko pa ang sarili ko at isa pa, ayokong mamatay sa ganung paraan) Hmmn.. Pano yung tubig sa.. (hay naku. Hayaan mo na, may magagawa ka? Gawin mo.) Hmmn.. Teka, baka magustuhan mo na ang sasabihin ko ngayon.. GUSTO MONG MAGBAKASYON ANO??? (Wahhhhh!!!! *nagtata-tumbling sa tuwa.* OO naman!!! Bakit ngayon mo lang yan sinabi???!!!!! kaasar ka talaga!) Sabi na eh!!! GUSTONG MAGBAKASYON NI EDEZA! HAHAHAH!!! Bigyan ng fp yan! (Naku, kakahiya naman. Wag na. Matutulog na lang ako ng 2 days, straight, at mananaginip na nasa Palawan ako o kaya sa Tagaytay o Baguio. 2 days yun pare! Joyride yun. Bakasyon Grande! Apirrr!!!!
at pagkatapos ay muling inagaw si Marya ng antok… *****
Lights fading..
Credits:
Marya.
Mary.
Edeza.
Dek.
as.
Themselves.
All rights reserved
2007